Home HOME BANNER STORY Nawalang kita sa turismo dahil sa flight transfer pinuna ni Zubiri

Nawalang kita sa turismo dahil sa flight transfer pinuna ni Zubiri

1
0

MANILA, Philippines — Naalarma si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri sa bilyong pisong posibleng kita sa turismo na nawala umano sa Palawan at Siargao matapos ilipat ang turboprop flights patungo sa mga lugar na ito mula sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) ay ginawang sa Clark International Airport sa Pampanga.

Sa report mula sa Department of Tourism (DOT), tinukoy ni Zubiri ang estimated economic losses na P7.6 bilyon para sa El Nido, P10.61 bilyon para sa Coron at P14.2 bilyon para sa Siargao.

Ang usaping ito ay tinalakay kasabay ng pagbusisi ng Senado sa proposed 2027 budget ng Department of Transportation (DOTr).
“These are alarming, Sir. Sec., this is alarming, Sec. This is no laughing matter. This is no joke,” ani Zubiri kay Transport Secretary Vince Dizon.

Ang badyet ng DOTR ay inendorso sa Senate floor ni Senador JV Ejercito, ang Senate finance committee chair.

Ani Zubiri, ang pagbaba sa tourist arrivals sa Palawan ay nagsimula noong Abril matapos ilipat ang turboprop flights mula NAIA patungong Clark.
Para sa El Nido, bumaba sa 61651 ang tourist arrivals noong Abril kumpara sa 82,000 turista noong Enero.

Nagpatuloy pa sa pagbagsak ang numero kung saan naitala ang 15,681 tourist arrivals noong Setyembre at 11,925 noong Oktubre.

Sa kabuuan, ang bilang ng mga turista sa El Nido at Coron ay bumaba ng mahigit 271,720, habang nagkaroon din ng 59.6 percent na pagbaba sa tourist arrivals sa Siargao ngayong taon kumpara noong 2025.

Dahil dito ay muling ipinanawagan ni Zubiri ang apela ng DOT para sa limitadong slot na ilaan sa paliparan sa Manila para sa turboprop flights patungo sa tatlong destinasyong ito.
Samantala, sinabi ni Ejercito na nangako naman si Dizon na tatalakayin ang usaping ito sa pamunuan ng NAIA.

Ang ban sa turboprop airplanes ay ipinatupad sa NAIA noong Marso 26 para paluwagin ang paliparan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here