Home NATIONWIDE Pilipinas planong bumili ng 6 Chinook helicopters sa $2B US defense loan...

Pilipinas planong bumili ng 6 Chinook helicopters sa $2B US defense loan package

1
0

MANILA, Philippines — Humiling ang Pilipinas ng anim na CH-47 Chinook heavy-lift helicopters mula sa Estados Unidos sa ilalim ng proposed $2-billion military financing package, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Huwebes, Nobyembre 26.

Ani Teodoro, ang lahat ng anim na brand-new helicopters ay maaaring maideliver sa 2029 kung papayag ang Washington na gawing prayoridad ang order ng Pilipinas.

“We made a request to the US government regarding the $2-billion financing for six Chinooks. That is the only thing I can disclose out of that package,” sinabi ni Teodoro sa closing ceremony ng Armed Forces of the Philippines’ Joint Exercise “Dagat, Langit, Lupa.”

Kung hindi ay maaaring abutin pa ng anim na buwan ang delivery.

Ipinaliwanag ni Teodoro na ang mas maagang delivery ay nakadepende sa pagpayag ng US na ire-allocate ang anim na helicopter para sa Army nito, patungo sa Pilipinas.

Ang mga helicopter ay unang itinalaga para sa Philippine Air Force, na may acquisition request sakop ang integrated logistics support at crew training.

Bagamat may kapasidad ang Pilipinas na magkaroon ng anim na Chinook, sinabi ni Teodoro na isang malaking alalahanin ang maintenance nito.
“A Chinook can carry about four times a Black Hawk, so it saves you time. And it saves you logistical space,” paliwanag niya.

Kayang magkarga ng mga helicopter na ito ng malalaking artillery pieces at mga sasakyan.

Samantala, nang tanungin naman kung plano ng Pilipinas na bumili ng mas maraming Chinook, tinukoy ni Teodoro ang budget constraints.

“If only we could. That (six choppers) is not enough. But of course, that’s all we can manage.”

Ang ibinahagi ni Teodoro ay isang linggo matapos ianunsyo ng White House na itutuloy ng Pilipinas at US ang Foreign Military Financing loan package na nagkakahalaga ng mahigit $2 bilyon para sa pagbili ng defense at security equipment. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here