Bulacan – Huli ang dayong 21 anyos na lalaki matapos magbenta ng maliit na baril sa buy-bust operation ng mga awtoridad bayan ng Guiguinto nitong gabi ng Marso 4.
Sa ulat ni PLTCOL Russel Dennis Reburiano, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Bulacan Provincia Police Office, kinilala ang suspek na si alyas “RC”, residente ng Brgy. Potrero, Malabon City.
Ayon sa report, isinagawa ang operasyon ng PIU katuwang ang mga tauhan ng Guiguinto police station laban sa target bandang 10:30 ng gabi sa Brgy. Tabang.
Nabatid na nagbenta ang suspek ng Caliber .40 pistol na Bersa Mini Thunder, na kargado ng magazine na may apat na bala sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money kaya matapos ang pre-arranged signal ay agad siyang hihuli ng mga pulis sa lugar.
Nakumpiska sa operasyon ang Caliber .40 pistol na Bersa Mini Thunder na may magazine, kargado ng apat na bala, itim na holster at P5,000 buy-bust money.
Sinasabing ipinaalam ang karapatang konstitusyonal ng suspek na dinala sa tanggapan ng nasabing yunit para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Dick Mirasol III