Home NATIONWIDE Rep. Suntay sa Anne Curtis issue: I deserve the backlash

Rep. Suntay sa Anne Curtis issue: I deserve the backlash

204
0

MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin si Quezon City 4th District Representative Jesus Bong Suntay matapos gumamit ng sekswal na halimbawa na tumutukoy sa actress-host na si Anne Curtis sa isang pagdinig ng Kamara kaugnay ng impeachment, at sinabing nararapat lamang ang natanggap niyang backlash.

Ginamit ni Suntay ang naturang halimbawa habang ipinagtatanggol si Bise Presidente Sara Duterte kaugnay ng umano’y “imagined” na banta nito laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr..

Sa panayam sa ANC, inamin ni Suntay na hindi dapat gumamit ng sexual fantasy bilang halimbawa sa kanyang punto.

“Nag-a-apologize ako sa mga taong nasaktan. That analogy should not have been made. If people would want to judge me, yung pagkatao ko based from one statement and forget everything I’ve done in public service since 1998, then I cannot fault them,” aniya.

“That mistake has been made… May backlash ‘yan. I deserve the backlash,” dagdag pa niya.

Mula nang gawin ang pahayag, nakatanggap ng batikos si Suntay mula sa ilang mambabatas, women’s groups, celebrities, at publiko. May ilan ding nanawagan na disiplinahin siya ng House of Representatives.

Nang tanungin tungkol sa posibleng ethics complaint laban sa kanya, sinabi ni Suntay na rerespetuhin niya ang anumang hakbang ng kanyang mga kapwa mambabatas.

“If they want to file an ethics complaint, if they want to judge me, the person that I am, based from one particular statement, I respect it,” aniya.

Samantala, sinabi ni Caloocan Second District Representative Edgar Erice na hindi makatarungan kung papatawan ng mabigat na parusa si Suntay dahil lamang sa isang pagkakamali, at aniya ay maaaring sapat na ang isang reprimand.

Nauna nang sinabi ng Philippine Commission on Women na ang mga pahayag ni Suntay ay “hallmarks of gender-based sexual harassment” sa ilalim ng Safe Spaces Act.

“And when it comes from a public official, it is a serious betrayal of public trust and a violation of the law,” ayon sa komisyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here