Home NATIONWIDE Santo Papa, nagbabala sa ‘social control’ at manipulasyon dulot ng AI

Santo Papa, nagbabala sa ‘social control’ at manipulasyon dulot ng AI

260
0

VATICAN CITY — Nagbabala ang Vatican na maaaring magdulot ang artificial intelligence ng mas mataas na “social control” at manipulasyon, at nanawagan na higit na bigyang-pansin ang ugnayan ng mga tao upang mapigilan ang dehumanizing effects ng digital technology.

Sa dokumentong pinamagatang “Quo Vadis, Humanitas?” na inilabas ng International Theological Commission, sinabi ng Vatican na nahaharap ang sangkatauhan sa mga “never before imagined risks” dulot ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.

“Today we are witnessing a loss of the sense of history and a reduction of experience to the fleeting moment,” ayon sa dokumento.

“Digital culture tends to… transform the living culture of memory and hope into a postmodern culture of a present closed in on itself.”

Babala sa ulat na nagbubunga ang artificial intelligence ng isang “hyper-connected” na mundo kung saan mabilis na lumalala ang dinamika sa ekonomiya, politika, lipunan, at militar na maaaring maging mahirap kontrolin.

“In such a world, human action itself becomes material to be analyzed and shaped according to power or market goals that are not always transparent. Social control increases, as does the risk of manipulation,” ayon pa sa dokumento.

Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng mga ugnayan ng tao, lalo na sa loob ng pamilya, bilang panangga laban sa tinawag nitong homogenizing globalization na maaaring magpahina sa tunay na ugnayan ng mga tao.

Inaprubahan ang dokumento ni Pope Leo XIV, na ilang ulit nang nagbabala tungkol sa mga panganib ng generative artificial intelligence.

Sa mensahe nito para sa World Day of Social Communications noong Enero, sinabi ng Papa na sumasalamin ang mga AI system sa pananaw ng kanilang mga lumikha at maaaring magparami ng bias. Kinondena rin niya ang paggamit ng AI sa militar at nagbabala laban sa pag-aatas sa mga makina ng mga desisyong may kinalaman sa buhay at kamatayan.

Dumating ang babala habang patuloy na umuunlad ang generative AI na kayang gumawa o magbago ng mga larawan, musika, at teksto na kung minsan ay halos hindi na makilala kung gawa ng tao o hindi. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here