Home HOME BANNER STORY Tsina itinangging may espiyang Pinoy

Tsina itinangging may espiyang Pinoy

158
0

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Embassy of China in the Philippines ang mga alegasyon na may kinalaman ang Beijing sa umano’y espionage activities sa Pilipinas na kinasasangkutan ng ilang Pilipino.

Sa isang pahayag, sinabi ni Ji Lingpeng na sinusunod ng China ang prinsipyo ng hindi pakikialam sa panloob na usapin ng ibang bansa.

“We firmly oppose and strongly deplore irresponsible remarks made by certain Philippine agencies peddling so-called ‘Chinese spy’ narratives,” ani Ji.

“Such accusations are malicious smears against China and yet another attempt to hype up the so-called ‘China threat’ rhetoric,” dagdag niya.

Inilabas ng embahada ang pahayag matapos kumpirmahin ng National Security Council ang pagkakaaresto sa ilang Pilipino na umano’y sangkot sa Chinese-linked espionage at foreign-directed malign activities sa bansa.

Ayon kay Cornelio Valencia, may ilang impormasyon kaugnay ng resupply missions ng Pilipinas sa West Philippine Sea ang nakompromiso at naipasa umano sa Chinese intelligence agents.

Sinabi ng NSC na tatlong Pilipino na ang naaresto at posibleng may iba pang sangkot, ngunit hindi pa malinaw kung magsasampa ng kaso laban sa kanila.

Samantala, nanawagan naman ang Malacañang Palace sa mga ahensya ng pamahalaan na maging mapagmatyag at tiyaking protektado ang mga sensitibong impormasyon matapos ang naturang ulat.

Sa kabila nito, iginiit ng Chinese Embassy na “fabricated” o gawa-gawa lamang ang mga kaso ng umano’y Chinese espionage at nagbabala na ang ganitong mga akusasyon ay maaaring makasira sa relasyon ng dalawang bansa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here