Home NATIONWIDE Halos 2,000 Pinoy sa MidEast humiling na ng repatriation sa gitna ng...

Halos 2,000 Pinoy sa MidEast humiling na ng repatriation sa gitna ng US-Iran war

168
0

MANILA, Philippines — Halos 2,000 Pilipino sa Middle East ang humiling ng repatriation sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa rehiyon, ayon sa pamahalaan.

Batay sa datos ng Department of Migrant Workers, may kabuuang 1,979 Pilipino sa siyam na bansa sa Middle East ang humiling na makauwi sa bansa, kung saan pinakamataas ang bilang sa Kuwait na may 633.

Sa Lebanon, 26 sa mahigit 14,000 Pilipino ang nagpahayag ng kagustuhang magpa-repatriate matapos magtaas ng Crisis Alert Level 3 ang Department of Foreign Affairs, na nangangahulugang boluntaryo ang repatriation.

Nahihirapan naman ang pamahalaan sa repatriation dahil sa limitadong airspace at pagsasara ng ilang paliparan sa rehiyon, kabilang ang Ben Gurion Airport sa Israel.

“Rest assured that the effort continues to look out for those who remain. We are finding ways, the airspace is still rather limited when it comes to Dubai,” ayon kay Hans Leo Cacdac.

Samantala, halos 300 Pilipino mula sa Dubai ang nakauwi na sa Maynila matapos muling buksan ang airspace. Karamihan sa kanila ay mga turistang na-stranded habang 23 naman ay mga OFW at kanilang mga anak. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here