Home NATIONWIDE Iran inanunsyong may sariling bombang nukleyar sabay babala sa mga kaaway

Iran inanunsyong may sariling bombang nukleyar sabay babala sa mga kaaway

268
0

INANUNSYO ng Iran na nakagawa na umano ito ng mga bombang nukleyar makaraan ang ilang pagsubok na isinagawa nito sa nakaraang ilang buwan, kasama sa mga araw na nagsimula ang pitong araw nang digmaan sa pagitan ng Iran at Israel at United States.

Ito’y sa kabila ng pagsasabi ng United States at Israel na nadurog na nila ang Natanz nuclear plant, Iran na pinaniniwalaan nilang pinaggagawaan ng nuclear material.

Ginawa ang mga pagsubok ng Iran ilang kilometro mula sa Isfahan nuclear plant at makaraang harangin ng Iran ang mga inspector ng International Atomic Energy Agency na pumasok sa Isfahan at Fordow nuclear plant.

Nagkarga na umano ang Iran ng mga bombang nukleyar sa mga missile nito at anomang araw, pwede na umano nilang gamitin ito laban sa Israel at mga base militar ng US na nakatayo sa iba’t ibang bansa sa Middle East.

Agad nagpulong ang US at Israel dito.

Nauna rito, inanunsyo mismo ng Iran na mismong ang Saudi Arabia ay mayroon na ring bombang nukleyar na alam ng US at Israel.

Kakampi ngayon ng US at Israel ang Saudi Arabia sa giyera.

Kapag ginamit ng Iran ang mga bombang nukleyar, pinaniniwalaang lalong babagsik at lalawak ang ngayo’y giyera na kinasasangkutan na ng ilang bansang Arabo gaya ng Saudi Arabia, Bahrain, Qatar, Jordan, Iraq, Kuwait, Oman at United Arab Emirates, Cyprus, Turkey, Azerbajian, Lebanon at Yemen. FRED CABALBAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here