MANILA, Philippines — Nasunog ang lugar sa Cavite kung saan umano isinagawa ang initiation rites na ikinasawi ng 19-anyos na maritime student, ayon sa ulat nitong Huwebes.
Naganap ang sunog matapos umalis ang pulisya sa pinangyarihan ng insidente. Ayon sa mga residente, hindi nila alam kung paano nagsimula ang apoy.
Iniimbestigahan na ng mga tauhan ng Philippine National Police Scene of the Crime Operations ang insidente upang matukoy ang sanhi ng sunog.
Ang lugar ay iniuugnay sa pagkamatay ng maritime student na si Kenneth Alcedo na umano’y nagtamo ng matinding pinsala sa hazing rites sa Cavite. Mary Anne Sapico