Home NATIONWIDE Airspace bahagyang binuksan; 100 Dubai flights, pinayagan

Airspace bahagyang binuksan; 100 Dubai flights, pinayagan

173
0

MANILA, Philippines – Muling nagpatuloy ang mga biyahe ng Emirates papunta at palabas ng Dubai matapos bahagyang muling buksan ang himpapawid ng United Arab Emirates sa gitna ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa advisory na inilabas noong Biyernes, sinabi ng airline na magpapatakbo ito ng mahigit 100 flight noong Marso 5 at 6 upang magsakay ng mga pasahero at mahahalagang kargamento tulad ng perishable goods at pharmaceuticals.

“Emirates will continue to gradually build back its flying schedule, subject to airspace availability and all operational requirements being met,” ayon sa airline.

“Safety is always our top priority. We continue to monitor the situation and adapt our operations accordingly,” dagdag pa nito.

Pinayuhan din ng airline ang mga pasahero na magtungo lamang sa paliparan kung may kumpirmadong booking.

Mahigit 110 flight papunta at mula sa Philippines ang kinansela o inilihis dahil sa tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Lalong uminit ang sitwasyon matapos mapatay sa US-Israeli airstrikes ang Iranian Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei, na kalauna’y kinumpirma ng Iranian state media.

Nauna nang sinabi ni Donald Trump na magpapatuloy ang combat operations sa Iran hanggang makamit ang lahat ng layunin ng operasyon, at kinumpirma ring tatlong US service members ang nasawi at posibleng madagdagan pa ang bilang ng casualties. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here