Manila, Philippines — Any mother will take a bullet for her child.
Ganito kung ipaglaban ni Karla Estrada ang kanyang anak na si Lella Ford.
Pinalagan nga ni Karla ang mga kumukuwestyon sa pagiging deserving ng anak na mapabilang sa Ultimate 8 ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0.
Hindi na napigilan ng showbiz mom na maglabas ng hanash sa kanyang Facebook page laban sa mga bashers ni Lella.
Post ni Karla: “I understand that everyone has their own interpretation of what happened, and emotions really run high when we talk about something we all care about. But I also hope we can be fair to Lella.”
Katwiran ng ina, wala ring narinig mula sa kanya nang ma-nominate ang kanyang anak sa isang partikular na task.
Ginawa raw ni Lella ang lahat—tinanggap ito nang walang pag-aalinlangan.
“She continued to fight her battles with grace. She never questioned anyone’s worth or capacity publicly.
“She focused on doing her best!”
Batid daw ni Karla na once nasa loob ng Bahay ni Kuya ay intense ang mga emosyon.
Dahil dito, ang pagbibigay ng opinyon ni Lella tungkol sa performance ng mga kapwa niya housemates ay hindi ibig sabihing may galit ito.
Wala raw “hidden animosity” si Lella dahil lamang sa paglalabas niya ng opinyon.
“Perspectives can differ without being malicious.”
Sa halip na mang-bash, magsilbi sanang paalala ito na igalang ang opinyon ng bawat isa.
“Healthy discussion is okay, personal attacks are not. Let’s choose understanding over judgment… they all deserve respect,” saad ni Karla, dahil lahat naman daw ay nag-e-effort.
Nitong Pebrero 28, Sabado, tinanghal na ang big winners sa PBB Celebrity Collab 2.0. (Ronnie Carrasco III)