Home NATIONWIDE CBCP-ECMI, nakikiisa sa mga OFW na naiipit sa digmaan sa Middle East...

CBCP-ECMI, nakikiisa sa mga OFW na naiipit sa digmaan sa Middle East at Iran

171
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines –  for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang suporta sa mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya sa Pilipinas na apektado ng pag-iral ng sigalot sa Middle East at Iran.

Ayon sa Obispo, batid ng simbahan ang pangamba sa puso ng mga OFW at pamilya na kanilang naiwan sa Pilipinas kaya mahalaga ang paggabay ngayon sa kanilang mga puso at pananampalataya.

Tiniyak din ng Obispo ang pananalangin para sa kabutihan maging ng mga mamamayan na apektado sa pag-iral ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga bansa.

Gayundin ang pananalangin sa Panginoong Hesukristo at Mahal na Birheng Maria upang kagyat na umiral ang kapayapaan at hindi na lumala pa ang krisis na nararanasan.

“In these challenging times, we look to Jesus, the Prince of Peace, who taught us: “Blessed are the peacemakers” (Mt 5:9). Let us come together in earnest prayer for a quick resolution, seeking the intercession of Our Lady, Queen of Peace. May she protect our migrants, provide wisdom to global leaders, and encourage dialogue instead of conflict,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Mesiona.

Sa huli tiniyak ng CBCP-ECMI ang pananalangin at ang pag-aalay ng misa para sa kaligtasan ng mga OFW at mamamayan ng ibat-ibang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here