Home NATIONWIDE PBBM, nagpaabot ng pakikiisa sa UAE sa gitna ng tensyon sa Gulf

PBBM, nagpaabot ng pakikiisa sa UAE sa gitna ng tensyon sa Gulf

175
0

MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay United Arab Emirates (UAE) President Mohamed bin Zayed Al Nahyan kaugnay sa sitwasyon sa Gulf region.

Ito’y matapos na makipag-usap ng Pangulo kay President Al Nahyan sa isang phone call, araw ng Biyernes, Marso 6.

Sa kanilang pag-uusap, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang tiwala sa kakayahan ng pamahalaan ng UAE na mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng residente sa bansa, kabilang ang halos isang milyong Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho roon.

Importante ayon sa Pangulo para sa gobyerno ng Pilipinas ang seguridad at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa UAE, kaya patuloy na mino-monitor ng gobyerno ang mga kaganapan sa rehiyon.

Winika rin ng Chief Executive na umaasa siya na na agad na matatapos ang anumang tensyon o hostilities sa Gulf region upang makabalik sa normal ang sitwasyon sa lalong madaling pnahon.

Samantala,ang UAE ay isa sa mga bansang may pinakamalaking komunidad ng mga Pilipino sa Middle East, kung saan marami ang nagtatrabaho sa iba’t ibang sektor tulad ng serbisyo, konstruksyon, at healthcare. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here