Home METRO Mga suspek sa pagkamatay ng 19-anyos sa hazing, pinangalanan, pinapasuko ng awtoridad

Mga suspek sa pagkamatay ng 19-anyos sa hazing, pinangalanan, pinapasuko ng awtoridad

215
0

CAVITE, Philippines – Pinangalanan na at sinabihang sumuko ang 17 na pawang mga estudyante na hinihinalang kasama sa Hazing na nagresulta sa pagkamatay ng isang Maritime student Linggo ng hapon.

Base sa report, kinilala ang mga ito na sina John Verson Cabrera, Argie Rosal, Felix Martin Dala, John Ray Torrecampo, John Lee Tuliao, John Vincent Malipot, Neil Nicolas Rapatan, John Michael Jagonoy, Mark Kenneth Gonzaga Acelo (neophyte), Lar Sabilona, Sedan Manglanlan, Alyas Mark, Gabriel Vergara, Bert Dela Cruz, Cedrick Salmon Bornea, Jose Marce Garcia at alyas Kenneth, pawang mga estudyante at may edad 18 hanggang 19 anyos.

Sa isinagawang prescon, sinabihan ni Secretary of Interior and Local Government (SILG) Jonvic Remulla si Martin Asturia, Spokesman ng Tau Gamma Phi Fraternity na isuko nila ang mga binanggit na mga estudyante keysa sila pa o ang kapulisan ang huhuli sa kanila. Kasama sa talakayan sina PNP Chief PGen Jose Melencio Nartatez, at Cavite Provincial Director PCOL Ariel Red.

Inaasahan din ni Remulla ang hanay ng Tau Gamma Phi Fraternity na makipag-koopersyon sa kanila.

Sa panig naman ng Tau Gamma Phi Fraternity, sinabi ni Asturias na tinutuliga nila ang naganap na karahasan ng kanilang hanay kasabay ng pag-aalay ng simpatiya sa pamilya ng biktima.

Matatandaan na unang dinala sa Gen Trias Medicare Hospital ang biktimang si Mark Kenneth Alcedo, Maritime student ng Philippine Nautical and Technology College sakay ng isang Mitsubishi Mirage na may plakang NAV 9498 na minaneho ng ng sumuko ng suspek na si Jhn Michael Jagonoy at nahaharap s kasong paglabag sa RA 11053 o Anti-Hazing Law.

Sinabing biktima ng hit and run si Mark pero matapos suriin ng doctor ay sinabing biktima ito ng Hazing dahil sa mga pasa sa katawan. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here