Home NATIONWIDE 82 istranded na turistang Pinoy sa Jordan, pauwi na – DFA

82 istranded na turistang Pinoy sa Jordan, pauwi na – DFA

165
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pauwi na ang 82 turistang Filipino na na-istranded sa Jordan matapos ang pagkaantala ng mga biyahe dahil sa tensyon sa Middle East.

Sa pahayag, sinabi ng DFA na ang 82 ay kabilang sa 113 Filipino na unang naistranded sa Amman, Jordan at ligtas na umalis mula sa Queen Alia International Airport nitong Sabado, Marso 7.

Ang mga pasahero ay bumiyahe sa iba’t ibang transit hubs kabilang ang Cairo, Dubai, Mumbai at Riyadh, at inaasahang sasakay ng connecting flights patungong Manila.

Patuloy naman na inaasistehan ng Philippine Embassy sa Amman ang nalalabing 31 turistang Pinoy na nasa Amman pa rin.

Samantala, mayroong 41,000 Filipino ang nasa Jordan, ayon sa DFA.

“The DFA, through the Philippine Embassy in Amman, remains committed to providing necessary assistance to ensure the safe return to the Philippines of Filipino nationals currently in Jordan,” sinabi pa ng ahensya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here