Home NATIONWIDE Dagupan, Catarman tinusta ng mapanganib na lebel ng heat index

Dagupan, Catarman tinusta ng mapanganib na lebel ng heat index

127
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng mapanganib na lebel ng heat index ang dalawang lugar sa Pilipinas nitong Sabado, Marso 7.

Ayon sa PAGASA, ang Dagupan City, Pangasinan at Catarman, Northern Samar ay nakapagtala ng heat index na 43°C at 42°C.

Klasipikado ang 42 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius na heat index sa danger category, habang ang mga lugar na may 52°C at pataas ay nasa extreme danger category.

Posible ang heat stroke sa ilalim ng extreme danger category habang heat cramps, exhaustion, at heat stroke ang posible sa ilalim ng danger level.

Samantala, may kabuuang 15 lugar ang makararanas ng heat index na nasa ilalim ng extreme caution category ngayong Linggo, Marso 8.

Ang extreme caution ay heat index na nasa pagitan ng 33°C at 41°C, kung saan posible ang heat exhaustion at heat cramps.

Mararanasan ang heat index na 39°C sa mga sumusunod na lugar:

Sangley Point, Cavite

37°C naman sa:

Iba, Zambales

San Idelfonso, Bulacan

TAU Camiling, Tarlac

Ambulong, Batangas

36°C sa:

NAIA, Pasay City

CLSU Muñoz, Nueva Ecija

Cubi Pt. Subic Bay, Zambales

NAS-UPLB, Laguna

35°C ang heat index sa:

Science Garden, Quezon City

Clark Airport (DMIA), Pampanga

Hacienda Luisita, Tarlac

Infanta, Quezon

Alabat, Quezon

Mulanay, Quezon

RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here