MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ng Bureau of Customs-Port of CLark ang kargamento na naglalaman ng 17,500 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P119 milyon.
Ayon sa kalatas nitong Sabado, Marso 7, ang kargamento ay mula sa Las Vegas, Nevada, at patungong Makati City.
Naharang ito batay sa derogatory information na ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Sa pagdating nito, isinailalim ang parcel sa X-ray scanning at nakitaan ng kakaibang mga imahe dahilan para busisiin pa ito.
Nagpositibo ang kargamento sa pagsuri ng K-9.
Dito na nagsagawa ng full physical examination ang mga awtoridad ang tumambad ang dalawang itim na rectangular resin blocks na naglalaman ng puting crystalline substances.
Nakumpirma naman sa laboratory testing na ang mga ito ay shabu.
Isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs.
Inisyu ang warrant of seizure at detention para sa kargamento. RNT/JGC