Home TOP STORIES Joint Monitoring Activity, isinagawa para sa INC projects sa Brooke’s point;...

Joint Monitoring Activity, isinagawa para sa INC projects sa Brooke’s point; IPDO Bicam kinilalang opisyal na kinatawan ng IP

171
0

ISANG Joint Monitoring and Grievance Team (JMGT) ang isinagawa para sa Ipilan Nickel Corporation (INC) project sa Brooke’s Point, Palawan, na sumasaklaw sa mga Barangay ng Barong-Barong, Aribungos, Calasaguen Ipilan, Maasin, at Mambalot.

Ang JMGT ay nag-ooperate sa ilalim ng polisiya ng National NCIP at bahagi ng monitoring system sa ilalim ng Free, Prior and Informed Consent (FPIC) Memorandum of Agreement (MOA), naatasan din ito na magsagawa ng review compliance sa mga komitment na napagkasunduan sa sa proseso ng FPIC at magpuprovide ng isang formal channel para tugunan ang concern ng community na may kaugnayan sa proyekto.

Bahagi ng monitoring ang pagrebisa sa paggamit ng Indigenous Peoples (IP) royalties na nabuo mula sa operasyon ng Ipilan Nickel Corporation.

Ang Oversight ng royalty system at ang monitoring ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng NCIP, ayon sa kanyang mandato na protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga Indigenous Cultural Community(ICC).

Ang Indigenous Peoples Development Office – Barong-Barong, Ipilan, Calasaguen, Aribungos, Maasin, at Mambalot (IPDO BICAMM), isang organisasyon ng mga lider ng IP sa Brooke’s Point, Palawan, ay kinikilala ng NCIP bilang opisyal na IP group na pinapayagang tumanggap at mangasiwa sa royalty na nakalaan sa mga ICC ng Palawan.

Sa pamamagitan ng JMGT process, maaaring i-review ng mga kinatawan ang implementasyon ng FPIC MOA at matugunan ang komunidad. kabilang ang mga bagay na may kaugnayan sa pamamahala at paggamit ng royalty.

Ang monitoring process na ito ay ayon sa mga pamantayan at gabay na itinakda ng NCIP. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here