ISANG Joint Monitoring and Grievance Team (JMGT) ang isinagawa para sa Ipilan Nickel Corporation (INC) project sa Brooke’s Point, Palawan, na sumasaklaw sa mga Barangay ng Barong-Barong, Aribungos, Calasaguen Ipilan, Maasin, at Mambalot.
Ang JMGT ay nag-ooperate sa ilalim ng polisiya ng National NCIP at bahagi ng monitoring system sa ilalim ng Free, Prior and Informed Consent (FPIC) Memorandum of Agreement (MOA), naatasan din ito na magsagawa ng review compliance sa mga komitment na napagkasunduan sa sa proseso ng FPIC at magpuprovide ng isang formal channel para tugunan ang concern ng community na may kaugnayan sa proyekto.







