MANILA, Philippines – Lumipad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., papuntang Estados Unidos para sa kanyang working visit doon.
Alas- 10:22 ng umaga, araw ng Linggo, Marso 8 nang umalis ang eroplano kung saan lulan ang Pangulo.
Mananatili naman ang Pangulo sa Estados Unidos hanggang araw ng Miyerkules, Marso 11.
Nauna rito, inilatag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang magiging schedule ng Pangulo sa Marso 9-10, 2025 sa kanyang pagdalo sa UNGA.
Sinabi ni DFA Spokesperson Angelica Escalona, na isa sa pangunahing tatalakayin ni Pangulong Marcos sa mga pulong na dadaluhan nito ay ang lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Escalona, mahalaga ang pagdalo ni Marcos dahil ang United Nations ang pinakaangkop na forum para manawagan ng restraint, paggalang sa international law kabilang ang UN Charter at humanitarian law at pagbabalik sa negotiating table ng mga sangkot sa partido para sa kapayapaan.
Inaasahan din ilalahad ng Presidente sa kanyang mga pulong na dadaluhan ang posisyon ng mga deveĀloping countries sa rehiyon, gayundin ang panawagan na maprotektahan ang mga sibilyan, kabilang ang mga Pilipino sa mga apektadong lugar.
Nakatakda rin makipagpulong ang Pangulo kay UN Secretary-General Antonio Guterres upang talakayin ang mga kasalukuyang isyu sa Middle East at muling igiit ang commitment ng Pilipinas sa United Nations at multilateralism. (KRIS JOSE)