Home METRO Top 1 Most Wanted ‘rapist’ ng Bukidnon timbog sa Bulacan

Top 1 Most Wanted ‘rapist’ ng Bukidnon timbog sa Bulacan

153
0

BULACAN, Philippines – Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang binatang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa operasyon ng mga awtoridad sa lungsod ng Meycauayan nitong hapon ng Marso 7.

Sa ulat ni PLTCOL Melvin Florida Jr, hepe ng Meycauayan police station, kinilala ang naarestong akusado na si alyas “Bob”, 41, residente ng Sitio Busugan, Ninoy Aquino, Kalilangan, Bukidnon.

Ayon sa ulat, ang paghuli ay isinagawa ng nasabing istasyon at sa pakikipag-ugnayan sa Kalilangan Municipal police station bandang 5:26 ng hapon sa Brgy. Camalig ng lungsod.

Nabatid na ang WOA para sa kasong Qualified Rape na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 8, Malaybalay City, Bukidnon noong Hunyo 1, 2021 na walang inirekomendang piyansa.

Sinasabing ipinaalam sa akusado ang kanyang karapatang konstitusyonal at dinala sa custodial facility para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here