MANILA, Philippines – MARIING kinokondena ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang malagim na pamamaril sa isang opisyal nito na si Engr. Karen Cor sino Del Valle ng DPWH Northern Samar 1st District Engineering Office.
Kasabay nito, nanawagan ang DPWH sa mga awtoridad na magsagawa ng mabilis at masusing imbestigasyon sa krimen.
Nakikiisa naman ang buong pamunuan ng DPWH sa pamilya ni Del Valle habang nag-alok na ng pabuya na P100,000 si Secretary Vince Dizon at dating Rep. Paul Daza para sa anumang impormasyon na makakapagturo sa suspek na si Sgt. Jerome Lluz Tejero.
Nanawagan din ng panalangin ang kagawaran para sa agarang paggaling ng kapatid ni Del Valle na nasugatan at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden