MANILA, Philippines – Sa harap ng paglobo ng presyo ng langis, iminungkahi ng Akbayan na iutos ng Marcos administration ang libreng pasahe sa LRT at MRT.
Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, lubhang pahirap ang pagtaas ng presyo ng langis at kasunud na ang pangunahing bilihin, upang maibasan ang hirap, hiniling nito sa Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng libreng sakay sa LRT at MRT sa mga piling araw habang patuloy ang tensyon sa Middle East.
“Kung kinaya ng DOTr na gawing pamasko sa mga commuters ang free MRT rides, kayang-kaya rin nating gawing libre ito habang may kinakaharap tayong krisis. Commuters will bear the brunt of the rise in fuel prices. Kahit papaano kung may libreng sakay maiibsan nila yung taas presyo ng petrolyo at mga bilihin,” ani Cendaña.
Iginiit pa nito na sa ganitong sitwasyon na mataas ang presyo ng langis ay dapat palakasin ang public mass transportation kaysa sa paggamit ng pribadong sasakyan para makabawas sa gastusin.
Maliban sa pagbibigay ng libreng sakay sa mass transit sinabi ni Cendaña na ilang panukala pa ang kanilang isusulong sa Kamara kabilang na dito ang tulong para sa libreng sakay ng mga Local Governmengt Unit at ang pagpapalawig sa Pantawid Pasada Program. Gail Mendoza