Home NATIONWIDE Fuel Subsidy program inilalatag na – DOE

Fuel Subsidy program inilalatag na – DOE

208
0

MANILA, Philippines – Mayroon nang mga preparasyon para sa roll out ng direct fuel subsidy program para sa mga drivers, operators at delivery riders na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis, ayon kay Transport Undersecretary Ramon Reyes.

Sa pagdalo ni Reyes sa briefing ng House Committee on Ways and Means sinabi nito na sa oras na sertipikahan ng Department of Energy (DOE) na pumalo na sa $80 per barrel ang Dubai crude oil sa loob ng isang buwan ay agad na iroroll-out ang subsidy program.

Ang P2.5 billion na pondo para sa programa ay kukunin sa 2025 General Appropriations Act, ani Reyes, wala pang pondo sa ilalim ng 2026 budget gayunpaman kung mangangailangan ng dagdag na pondo ay maaaring manghingi sa Office of the President.

Target na mabigyan ng subsidy ang 247,000 public utility jeepney (PUJ) operators and drivers, 150,000 delivery riders at 723,000 tricycle operators.

Ang subsidy rates ay magkakaibam, sa modern jeepneys ay makakatanggap ng ₱10,500, traditional jeepneys ₱5,000, tricycles ₱1,150 at delivery riders ₱1,800 per unit.

Ang alokasyon ay hahatiin sa tatlong ahensya, 55% sa LTFRB, 33% sa DILG at 11% sa DICT.

Sinabi ni Reyes na inaayos na ang mekanismo sa gagawing sistema sa pamamahagi ng subsidy.

Samantala tiniyak ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board(LTFRB) Board member Atty. Greg Pua na hindi padadaanin sa mga politiko ang fuel subsidy at diretso itong matatanggap ng mga beneficiaries.

Ani Pua, 2024 pa ay may fuel subsidy cards na ang mga benepisyaryo kaya dito na idedeposito ang subsidiya.

Sakali namang nawala ang cards o wala pang cards, makipag-ugnayan dapat sa LTFRB.

Sinabi naman ni House Committee on Ways and Means Chairman at Marikina Rep Miro Quimbo na ayaw nilang nakikialam pa ang mga politiko sa pamamahagi ng mga fuel subsidy.

Katwiran ni Quimbo, mas nagtatagal pa nga kung nanghihimasok ang mga politiko sa bigayan ng tulong, kaya maganda na direkta ang pamamahagi ng subsidya. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here