Home METRO 8 sugatan sa fireworks mishap sa Panagbenga Fest

8 sugatan sa fireworks mishap sa Panagbenga Fest

160
0

MANILA, Philippines — Walong katao ang nasugatan matapos ang fireworks mishap sa closing program ng Panagbenga Festival 2026 sa Baguio City.

Isa sa mga paputok ang bumagsak sa skating rink kung saan nakaupo ang isang pamilya mula Pangasinan sa halip na umangat sa himpapawid.

Sumabog ang paputok na nagdulot ng first-degree burns sa pitong biktima, habang ang isa naman ay patuloy na inoobserbahan sa ospital dahil sa malalim na sugat sa paa.

Sinabi ng Baguio Flower Festival Foundation na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.

Ayon naman kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nangako rin ang mga organizer ng festival na sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot ng walong biktima. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here