Home NATIONWIDE Nene natagpuang patay sa ilog sa Quezon

Nene natagpuang patay sa ilog sa Quezon

151
0

MANILA, Philippines – PATULOY ang imbestigasyon ng Lucena City Police Station hinggil sa natagpuang bangkay ng isang taon at pitong buwan na batang babae sa ilog kagabi nitong Lunes, Marso 9, sa Dita River, Purok 1, Barangay Bocohan, sa lungsod ng Lucena, Quezon.

Kinilala ang biktima sa alyas na Seouia, 1 and 7 months old, naninirahan sa nabanggit na lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya dakong alas-8:20 kagabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa Dita River.

Napag-alaman na Marso 8 nang mawala ang biktima kung saan huli itong nakita na naglalaro sa labas ng kanilang bahay, subalit hindi na umano muling nakita ang biktima.

Samantalang, patuloy ang paghahanap sa nasabing batang babae at natagpuan ito na ganon pa rin ang suot na damit nang mawala ang biktima, kung saan sasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang matukoy ang sanhi ng pagkasawi nito. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here