SANTIAGO CITY – Timbog ang isang barangay kagawad sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Santiago City.
Sa direktiba ni Regional Director Gil Cesario Castro ng PDEA Region 2, sa pinaigting na kampanya sa illegal drugs ay dumayo pa sa Santiago City para makapagbenta ng ilegal na droga ang barangay kagawad na taga-San Mateo, Isabela.
Una rito, nabentahan ng suspek ang ahente ng PDEA pala ang kanyang katransaksyon.
Agad na inaresto ang barangay kagawad matapos maaktuhang nagbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng halos 0.5 gramo at nagkakahalaga ng P3,400.
Kinumpiska rin ang kanyang cellphone at motorsiklong gamit umano sa transaksyon.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002. Rey Velasco