Home NATIONWIDE 133 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Mayon

133 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Mayon

138
0

MANILA, Philippines – AABOT sa 133 volcanic earthquakes ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Mayon iniulat kaninang umaga Marso 10, ng Phivolcs.

Ayon sa Phivolcs, nakataas ang alert status 3 ng bulkan habang aabot sa 373 ang pagguho ng bato mula sa tuktok ng bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs na namataan din ang pagdaloy ng lava mula sa bunganga ng bulkan na may panaka-naka at mahinang strombolian activity.

Nabatid pa sa ahensya na namataan din ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan at katamtaman pagsingaw nito at pamamaga ng bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs, na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone at pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs na pinangangambahan na maaaring maganap ang pagguho ng bato, pagisa nga lava at bato, pag-agos ng lava at mahinang pagputok ng bulkan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here