Home HOME BANNER STORY Jinggoy ‘di dapat payagang makaalis ng bansa – DOJ

Jinggoy ‘di dapat payagang makaalis ng bansa – DOJ

147
0

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Department of Justice na isang flight risk at hindi dapat payagang umalis ng bansa si Senator Jinggoy Estrada.

Ito ay makaraang hilingin ng senador na payagan siyang bumiyahe sa ibang bansa kung saan tututukan din ng DOJ ang kanyang apela sa kabila ng precautionary hold departure order o PHDO na inilabas laban sa kanya ng Manila Regional Trial Court.

Ayon kay Justice spokesperson Polo Martinez nitong Martes, Marso 10, may sapat na dahilan upang manatiling epektibo ang PHDO.

Naghain si Estrada ng mosyon upang humiling ng pahintulot na magtungo sa Hong Kong, Macau, at Japan mula Marso 31 hanggang Abril 5 habang nahaharap sa mga kasong graft kaugnay ng umano’y maling paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong nakaraang termino bilang senador.

Gayunpaman, naglabas ng PHDO ang Manila RTC Branch 52 laban kay Estrada matapos makakita ng probable cause na maaaring tumakas siya at ang iba pang mga respondent upang umiwas sa pag-aresto at paglilitis.

Ang PHDO ay kaugnay ng reklamo ng plunder laban kay Estrada sa DOJ kaugnay ng umano’y maanomalyang mga proyekto sa flood control.

Ayon kay Martinez, ang PHDO ay maaari lamang bawiin sa utos ng parehong korte na naglabas nito.

“Court na po ang magsasabi kung may merit ang motion ni Sen. Estrada,” aniya.

Noong Enero 2024, naabsuwelto si Estrada ng Sandiganbayan sa kasong plunder ngunit napatunayang guilty sa isang bilang ng direct bribery at dalawang bilang ng indirect bribery kaugnay ng naturang scheme.

Ang 11 kaso ng graft, na hiwalay sa kasong plunder, ay nananatiling nakabinbin at patuloy na nililitis sa anti-graft court. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here