Home NATIONWIDE 63 pang Pinoy repats galing MidEast, nakauwi na ng Pinas

63 pang Pinoy repats galing MidEast, nakauwi na ng Pinas

142
0

MANILA, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang 63 Pilipinong repatriates mula sa ilang bansa sa Middle East sa gitna ng umiigting na tensyon sa rehiyon, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon sa DMW, 31 repatriates ang ligtas na dumating sa Maynila madaling araw ng Miyerkules mula Qatar, kung saan sinalubong sila ng mga opisyal ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Nauna rito, 32 repatriates, karamihan ay overseas Filipino workers, ang nakabalik sa bansa mula Oman noong Martes ng gabi.

Nakipag-ugnayan ang mga opisyal ng embahada kasama ang DMW at OWWA upang maisagawa ang ligtas na paglikas ng mga Pilipino, kabilang ang paggamit ng cross-border exits at alternatibong paliparan na bukas pa para sa international travel.

“Ang airspace sa bansang pinanggalingan nila ay very limited kaya naghanap ng paraan to cross the border sa isang bansa na makakalipad sila, and now, they’re here,” pahayag ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa isang news release.

Patuloy ang repatriation ng mga Pilipino mula sa Middle East habang tumitindi ang tensyon sa rehiyon matapos ang pag-atake ng United States at Israel sa Iran at ang pagganti ng Iran. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here