Home METRO Kelot na nagpanggap na PWD para sa LRT priority lane, pinaghahanap, parurusahan

Kelot na nagpanggap na PWD para sa LRT priority lane, pinaghahanap, parurusahan

156
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang National Council on Disability Affairs sa mga awtoridad na magsagawa ng aksyon matapos kumalat sa social media ang video ng isang lalaki na umano’y nagkunwaring may kapansanan upang makagamit ng priority lane sa LRT Line 1.

Sa inilabas na pahayag nitong Martes, hinimok ng konseho ang Light Rail Transit Authority na imbestigahan ang insidente at magpatupad ng nararapat na parusa.

Ayon sa ahensya, ang pagpapanggap na may kapansanan upang makakuha ng priyoridad na access ay paglabag sa mga batas na nagpoprotekta sa mga karapatan at benepisyo ng persons with disabilities (PWDs).

Makikita sa kumakalat na video ang lalaki na nagpapanggap na pilay upang makapasok sa priority lane sa isang istasyon ng LRT-1, na umani ng batikos mula sa netizens at mga tagapagtanggol ng karapatan ng PWD.

“Such actions harm social trust and disrespect those with real needs,” ayon sa NCDA, na nagsabing tila sinadya ng lalaki na magkunwaring pilay upang makapasok agad sa priority lane.

Ayon sa konseho, maaaring lumabag ang naturang aksyon sa mga probisyon ng Republic Act 7277 at Republic Act 10754.

Ipinaliwanag ng NCDA na ang mga priority lane sa transportasyon at iba pang establisimyento ay mahalaga para sa mga taong nangangailangan ng tulong upang makagalaw nang ligtas at maayos.

“Faking a disability diminishes the real struggles of those truly affected and misuses resources meant for them,” ayon pa sa NCDA.

Bagama’t tinanggap ng konseho ang advisory na inilabas ng LRTA hinggil sa insidente, sinabi nitong nais nitong maipataw ang nararapat na legal na parusa laban sa mga sangkot.

“Claiming disability falsely to gain priority access is not simply bending the rules; it is an unethical act that harms vulnerable commuters,” ayon sa konseho. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here