Home NATIONWIDE BuCor: Walang scabies outbreak sa Bilibid

BuCor: Walang scabies outbreak sa Bilibid

126
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor) na walang scabies outbreak sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City o sa iba pang anim na prison at penal farms sa bansa.

Ayon kay Ma. Cecilia V. Villanueva, huling naitala ang outbreak ng scabies sa mga pasilidad ng BuCor dalawang taon na ang nakalipas. Sa panahong iyon, nagsagawa ang BuCor kasama ang International Committee of the Red Cross ng “alis galis” activities upang masugpo ang sakit.

Naglabas ng pahayag ang BuCor matapos magbabala ang grupong Kapatid tungkol sa umano’y pagkalat ng scabies sa NBP dahil sa siksikan at kakulangan sa tubig.

Sinabi rin ng grupo na nahirapan silang magdala ng mga gamot para sa mga persons deprived of liberty (PDLs). Ngunit ayon kay Villanueva, may mga protocol na dapat sundin upang matiyak ang kaligtasan at maiwasan ang pagpasok ng kontrabando.

Ayon sa patakaran, kailangang ideposito muna ang mga gamot sa Directorate for Health Services ng BuCor bago dalhin sa pharmacy o infirmary ng kampo para ibigay sa PDL. Kailangan ding magsumite ang mga kamag-anak ng listahan ng gamot at lalagyan na may pangalan ng PDL, at bibigyan sila ng resibo ng pharmacist-on-duty.

Dagdag pa niya, dapat may valid doctor’s prescription ang mga gamot, at may kapangyarihan ang medical officers o pharmacists na suriin ang mga ito bago aprubahan.

Tiniyak ng BuCor sa mga PDL at kanilang pamilya na handa ang ahensya na tugunan ang anumang isyung pangkalusugan sa loob ng mga correction facility.

Bukod sa NBP, pinangangasiwaan din ng BuCor ang Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, Davao Prison and Penal Farm, San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, at Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here