Home METRO Rider utas sa pamamaril sa Kyusi

Rider utas sa pamamaril sa Kyusi

159
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na sakay din ng motorsiklo sa harap ng isang fast-food chain sa Barangay Payatas sa Quezon City noong Martes, Marso 10.

Ayon sa ulat, nangyari ang pamamaril bandang alas-5 ng hapon. Naiwan sa kalsada ang katawan ng biktima katabi ng kanyang motorsiklo hanggang bandang alas-8 ng gabi bago ito nakuha ng mga awtoridad.

May isa pang lalaki na nadamay sa insidente at tinamaan ng bala sa kamay. Agad siyang isinugod sa ospital para magamot.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng pamamaril at makilala ang mga suspek. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here