Home METRO 2 suspek sa pagpatay sa parak nadakma sa loob 48-oras sa Bulacan...

2 suspek sa pagpatay sa parak nadakma sa loob 48-oras sa Bulacan hot pursuit ops

153
0

BULACAN, Philippines – Arestado na sa loob ng 48 oras na operasyon ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa pagpatay sa pulis na nakatalaga sa Provincial Intelligence Unit sa bayan ng Guiguinto.

Sa ulat ni PCOL Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Provincial Police Office, kinilala ang gunman na si alyas “Marvin”, pawang dismissed police personnel na dating naitalaga sa Obando police station at kasabwat na si alyas “Adonis”, driver ng motorsiklong ginamit sa pagtakas.

Ayon sa ulat, nasakote ang dalawang suspek sa follow-up operation ng mga elemento ng Guiguinto police, Provinvial Intelligence Unit Bulacan, PIDMU, Bulakan, Obando police station,1st PMFC, PECU Bulacan, Regional Special Operations Group 3 at Regiional Intelligence Unit 3.

Nabatid na nitong Marso 10., bandang 6:00 ng gabi ay nahuli si alyas “Adonis” sa Brgy. Maysantol, Bulakan habang ang gunman na si alyas Marvin ay nadakma bandang 7:00 ng gabi sa Brgy. Panghulo, Obando.

Nasamsam umano kay Adonis ang isang  granada. black Yamaha NMAX motorcycle, helmet, long sleeves shirt, navy blue jogging pants, cellphone at dalawang iPhone mobile phones habang nakuha naman kay Marvin ang Bajaj motorcycle, backpack na may tatlong baril na Remington 1911 caliber .45 pistol, Caspian caliber .45 pistol, Smith & Wesson caliber 9mm pistol, mga bala, holster, mga damit na suot sa pagpatay, pouch na may mga ID at Samsung Galaxy A12 cellular phone.

Sinasabing bandang 9:47 ng gabi noong Marso 8 ay binaril sa batok ng gunman ang naglalakad na biktimang si PMSg Jose Uring,sa pagtatapos ng caucus para sa nalalapit na Homeowners Association Election sa basketball court ng Brooklyn Heights Subdivision sa Brgy. Tuktukan, Guiguinto.

Agad dinala ang biktima sa Guiguinto Polymedic Hospital subalit idineklarang dead on arrival.

Si Uring napagalamang kasalukuyang pangulo ng nasabing subdivision at muling tumatakbo sa ilalim ng “Team Pagbabago” sa naturang posisyon na ayon sa impormasyon ay mainit ang tunggalian ng magkabilang grupo.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong Murder habang nasa kostudiya ng Guiguinto police station.

Patuloy ang operasyon ng pulisya para mapanagot ang iba pang sinasabing sangkot sa madugong krimen. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here