Home NATIONWIDE PNP nagpatupad ng energy-saving measures sa mas epektibong operasyon

PNP nagpatupad ng energy-saving measures sa mas epektibong operasyon

149
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng mga hakbang para sa pagtitipid ng enerhiya bilang bahagi ng responsableng pamamahala ng resources at mas mahusay na operasyon ng gobyerno.

Ayon sa pahayag ng PNP nitong Miyerkules, iniutos na sa lahat ng yunit na ipagpatuloy at palakasin ang mga praktikal na paraan para mabawasan ang konsumo ng kuryente at gasolina, habang tinitiyak na tuloy ang serbisyo sa publiko.

Kabilang sa mga hakbang ang pagsara ng mga hindi kailangang ilaw at kagamitan tuwing lunch break at matapos ang opisina; pagtakda ng air-conditioning sa 24°C; paggamit ng natural na liwanag at bentilasyon; pagpapalakas ng virtual meetings kapag posible; at limitadong paggamit ng elevator para sa senior citizens, buntis, at persons with disabilities.

Sa aspeto ng gasolina, iniutos ang paglimita sa opisyal na biyahe sa mahahalagang aktibidad; pagsama-sama ng biyahe para masulit ang gamit ng sasakyan; pag-iwas sa walang silbing idling ng makina; at regular na maintenance ng mga sasakyan.

Ani PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., “Simple measures like turning off unused equipment, managing electricity consumption, and planning official travel wisely can make a meaningful difference in conserving energy and public funds.”

Umatras sa hakbang ang utos ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng ahensya para maghanda sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis dala ng kaguluhan sa Middle East, kasama na rin ang posibleng adjustments sa fuel excise taxes kung tuloy-tuloy ang pagtaas.

Dahil halos lahat ng langis ng Pilipinas ay ini-import, mataas ang epekto ng global na pangyayari sa presyo at suplay. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here