MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot sa mga pangunahing lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Marso 11.
Ayon sa PCSO, walang nakahula ng tamang kumbinasyong 19-36-10-23-31-20 para sa Megalotto 6/45, na may jackpot prize na P15,000,000.00.
Nanatili ring walang nanalo sa jackpot na P45,000,000.00 ng Grand Lotto 6/55 matapos walang makatama sa numerong 50-24-34-21-45-03.
Ginaganap ang draw ng Megalotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang ang Grand Lotto 6/55 naman ay tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado. RNT