Home NATIONWIDE Mga pulis namataan, naglalabas ng mga kahon sa opisina ng ICI; tapos...

Mga pulis namataan, naglalabas ng mga kahon sa opisina ng ICI; tapos na trabaho

130
0

MANILA, Philippines – Namataan ang mga pulis nitong Huwebes, Marso 12 na nagkakarga ng mga kahon sa sasakyan ng pulisya sa headquarters ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig.

Ayon sa mga source, ang mga kahon ay naglalaman ng mga dokumento na ituturn-over sa Office of the Ombudsman.

Nakatakdang pagdesisyunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kapalaran ng ICI.

Ani Marcos, natapos na ng ICI ang mga tinukoy na trabaho nito sa pag-iimbestiga sa flood control anomalies.

“Well, right now what the ICI is doing is that they are collating all of their findings because dadalhin nila – siyempre, they are also writing their final report. I think baka tapos na,” ayon pa sa Pangulo, sa press briefing nito sa kanyang working visit sa New York.

“But the – essentially within – with the ICI itself has made a determination that much of their work has already been done,” dagdag pa ni Marcos.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng Palasyo na pinag-aaralan pa ng Pangulo ang 125-day accomplishment report na ipinasa ng ICI noong Pebrero 6.

Nasa proseso na ito ng pagpapadala ng mga impormasyon sa nararapat na investigating body katulad ng Department of Justice o Ombudsman.

“Now, what will happen afterwards is, let us see what else that they can do, but for now their brief has already been fulfilled.”

Si retired Justice Andres Reyes na lamang ang natitirang miyembro ng ICI kasunod ng pagbibitiw ng mga commissioner nito.

Matatandaan na nilikha ang ICI para busisiin ang korapsyon sa flood control at iba pang infrastructure projects.

Ayon sa komisyon, sa kabila ng limitadong manpower at resources ay nagawa nitong makapaghatid ng ‘substantial’ at ‘measurable results.’

Kabilang dito ang siyam na referral sa Office of the Ombudsman sakop ang 65 indibidwal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here