Home NATIONWIDE Jinggoy naghain ng counter-affidavit sa DOJ

Jinggoy naghain ng counter-affidavit sa DOJ

168
0

MANILA, Philippines – Naghain na rin ng ‘counter-affidavit’ sa Department of Justice (DOJ) si Senador Jinggoy Estrada kasama ang kanyang abogado ngayong Huwebes, Marso 12.

Personal na humarap si Estrada upang panumpaan ang isinumiteng kontra-salaysay kaugnay sa pagkakadawit niya sa maanomalyang flood control projects.

Bukod sa plunder, sinampahan din si Estrada ng reklamong direct at indirect bribery ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Atty. Bianca Soriano, spokesperson at legal counsel ni Estrada, nakapaloob sa isinumiteng kontra-salaysay ng kanyang kliyente ang pagkuwestyon sa reklamong inihain ng NBI.

Giit ng kampo ni Estrada, hindi nasunod ang ‘requirements’ sa paghahain ng ‘complaint-affidavit.’

Ayon pa kay Atty. Soriano, liham lamang umano na may kalakip na ‘affidavit’ ang isinumite ng kawanihan sa DOJ.

Kinuwestyon din ng kampo ni Estrada ang bigat at kredibilidad ng mga ebidensya at pagiging ‘inconsistnet’ o hindi pagkakapareho ng mga salaysay na ginamit sa kaso kaya kumpiyansa sila na maibabasura lamang ang mga kaso laban sa senador. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here