MANILA, Philippines – Naaresto na ang apat na suspek sa pagpatay at pagsunog sa mga pasahero ng isang kotse na natagpuan sa Penaranda, Nueva Ecija, ayon sa Nueva Ecija Police Provincial Office nitong Huwebes, Marso 12.
Sa pahayag, sinabi ng Nueva Ecija Police na naaresto ang mga suspek sa hot pursuit operation sa Barangay Siempre Viva Sur sa Mallig, Isabela nitong Miyekrules.
Nitong Lunes, isang pulang kotse ang natagpung sunog sa harap ng isang sakahan sa Barangay Sinasajan, PeƱaranda.
Natagpuan sa loob nito ang dalawang sunog na katawan ng isang babae at lalaki.
Kalaunan ay kinilala ang mga ito na sina Michael Odchigue at Regine Espinosa.
Tinunton ang mga suspek sa pamamagitan ng intelligence operations, backtracking, at pagsusuri ng closed-circuit television (CCTV) footage.
Pinuri naman ni Nueva Ecija Police director Police Colonel Ritchie Claravall ang mga police unit sa mabilis na aksyon sa pag-aresto sa mga suspek.
Nasa kustodiya na ng PeƱaranda Municipal Police Station ang mga suspek na nahaharap sa reklamong pagpatay.
Isa sa ikinokonsiderang anggulo ng pagpatay ay may kaugnayan sa negosyo. RNT/JGC