Home NATIONWIDE Defensor nakatanggap ng impormasyon, Guteza nasa Pilipinas pa

Defensor nakatanggap ng impormasyon, Guteza nasa Pilipinas pa

181
0
Nagtungo sa NBI si dating mambabatas na si Mike Defensor at Atty. Ferdinand Topacio nitong Huwebes, Marso 12, kasunod ng subpoena na inisyu laban sa kanya kaugnay ng mga alegasyon ng 18 ex-Marines. Cesar Morales

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Congressman Mike Defensor nitong Huwebes, Marso 12 na nakatanggap siya ng impormasyon na si Orly Guteza ay nasa Pilipinas pa.

Sa kabila nito ay hindi niya umano alam ang eksaktong lokasyon nito.

“That is what I know,” sinabi ni Defensor sa ambush interview.

Nilinaw din nito na wala siyang direktang komunikasyon kay Guteza.

“I just received a message that he is in a good condition,” sinabi ni Defensor.

Nang tanungin pa kung posibleng muling magpakita si Guteza kasunod ng paglantad ng 18 dating Marines, sinabi ni Defensor na “I hope so.”

“If he’ll show up, he’ll show up,” dagdag pa niya.

Si Guteza ay dating security aide ni resigned Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na humarap bilang surprise witness sa Senado para sa pagdinig ng flood control.

Ipinakilala ito ni Senador Rodante Marcoleta sa harap ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa kanyang affidavit, pinangalanan ni Guteza si dating House Speaker Martin Romualdez sa flood control scandal, at sinabing naghatid siya ng mga maleta na naglalaman ng “basura” o kanilang code para sa cash, sa bahay ni Co at Romualdez. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here