Home HOME BANNER STORY 634 na patay sa sagupaan ng Israel, Hezbollah sa Lebanon

634 na patay sa sagupaan ng Israel, Hezbollah sa Lebanon

143
0

LEBANON – Sinabi ng Lebanon nitong Miyerkules, Marso 11 na umabot na sa 634 ang bilang ng mga nasawi sa 10 araw na sagupaan sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

Kasabay nito ay nasa mahigit 800,000 katao ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan.

Sa updated na bilang, sinabi ni Health Minister Rakan Nassereddine sa press conference na kabilang sa mga nasawi ang 91 bata.

Mahigit 1,500 katao naman ang sugatan sa mga pag-atake.

Ayon kay Social Affairs Minister Haneen Sayed, ang bilang ng mga displaced people na nagparehistro ng kanilang mga pangalan sa website ng ministry ay umabot na sa 816,000, kabilang ang nasa 126,000 na tumutuloy sa collective shelters. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here