Home NATIONWIDE Tiwala at kumpiyansa ni PBBM kuha pa rin ni Frasco – Malakanyang

Tiwala at kumpiyansa ni PBBM kuha pa rin ni Frasco – Malakanyang

188
0

MANILA, Philippines – SA NGAYON ay patuloy pa rin na ini-enjoy ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco ang ‘tiwala at kumpiyansa’ sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Subalit biglang nagpahayag si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na “malamang bukas ay mayroon tayong annoucement.”

At sa tanong kung kumpirmasyon ba ito ng pagbabago sa liderato sa DoT, ang naging sagot naman ni Castro ay “puwedeng Oo, puwedeng hindi. Magbibigay kami ng announcement tomorrow.”

Sinabi pa niya na hindi siya makapagbibigay ng anumang detalye sa ngayon kung si Commercial Counselor Dita Angara-Mathay ang ipapalit kay Frasco.

“HIndi pa po ibinibigay sa akin ang papel kung mayroon man. Kapag mayroon ng ibinaba na anumang anunsyo, ibibigay ko po agad sa inyo. Kahit po tayo ay work from home tomorrow.”

“As we speak, walang balasahan. So ngayon tinatanong ninyo sa akin kung may balasahan, sa ngayon wala pa. bukas kung may ibibigay sa ating papel, maaari akong mag-anunsyo,” anito.

Hindi naman niya masabi kung may manunumpa bukas para sa bagong posisyon.

Matatandaang humaharap sa batikos si Sec. Frasco matapos ang tila madalas na paglabas ng kaniyang imahe sa “tourism materials” ng ahensya. Inakusahan ang Kalihim na di umano’y ginamit ang government-funded tourism programs para sa umano’y “self-promotion.”

Napaulat na pinuna ni Senator Raffy Tulfo si Frasco sa umano’y pagpapakita ng sarili sa halip na mga destinasyon sa ilang promotional materials ng turismo.

Ayon kay Tulfo, nakatanggap siya ng reklamo na parang ginagamit ni Frasco ang tourism materials para sa self-promotion.

Binigyang-diin niya na dapat nakatuon ang DoT sa pagpapakita ng mga destinasyon, pagkain, wellness, at kulturang Pilipino kaysa sa personalidad.

Nilinaw ni Tulfo na hindi niya sinasabing tatakbo si Frasco sa halalan, kundi ipinapahayag lamang na napapansin ng publiko ang tila self-promotion, na hindi naman nakikita sa mga promotional materials ng turismo sa ibang bansa tulad ng Vietnam, Korea, Malaysia, at Japan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here