Home NATIONWIDE Isa patay, isa sugatan sa pamamaril sa birthday party sa Batangas

Isa patay, isa sugatan sa pamamaril sa birthday party sa Batangas

165
0

MANILA, Philippines – DEAD on the spot ang 23 anyos na binata samantalang isa ang sugatan nang pagbabarilin ang mga ito ng isa sa dalawang bisita sa ginaganap na birthday party nitong Miyerkules, Marso 11 sa Barangay Pulangbato, San Juan, Batangas.

Kinilala ang nasawing biktima sa alyas Mark, 23, samantalang pansamantalang nilalapatan ng lunas sa San Juan District Hospital si alyas Jomare, 21, sanhi ng tinamong sugat sa kaliwang hita.

Samantalang patuloy na tinutugis ang dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente na nakilala sa alyas na Junjun at Jr., kapwa residente ng Barangay Sampiro, San Juan, Batangas.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng San Juan Police Station sa pinangyarihan ng krimen dakong alas- 11:50 ng gabi habang ang mga biktima at suspek na pawang bisita sa ginaganap na birthday party kung saan kapwa nakainom na ang mga biktima at suspek.

Napag-alaman na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito na humantong sa magbunot ng hindi pa matukoy na baril ang isa sa dalawang suspek at pinagbabaril ang nasawing biktima.

Nabatid sa ulat na matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Sampiro. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here