Home METRO Drug den operator dedo, 4 parokyano arestado sa buy-bust sa BARMM

Drug den operator dedo, 4 parokyano arestado sa buy-bust sa BARMM

146
0

COTABATO, Philippines – Patay ang isang drug den operator at arestado ang apat na lalaki matapos ang buy-bust operation sa Barangay Nabundas noong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Director Edgar Jubay ng PDEA-BARMM, nakipagtulungan ang kanilang ahensya sa 40th Infantry Battalion ng Army sa operasyon. Habang papalapit sa lugar, pinaputukan sila ng operator na nakilalang si “Ola,” na nauwi sa 20-minutong engkwentro. Tumakas ang ibang kasamahan ni Ola papunta sa marshland.

Dinala si Ola sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Sa loob ng bahay ni Ola, na ginagamit ding drug den, nahuli ang apat na lalaki habang nagpo-pot session. Nasamsam sa operasyon ang P126,000 halaga ng shabu, isang baril, bala, limang mobile phones, at iba pang gamit sa droga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here