Home METRO Menor de edad, 3 iba pa sugatan sa suwagan ng 2 motorsiklo

Menor de edad, 3 iba pa sugatan sa suwagan ng 2 motorsiklo

152
0

ILOCOS SUR, Philippines – Sugatan ang apat na indibiduwal matapos ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa bypass road sa Brgy. Oaig-Daya, Candon City ng lalawigang ito kahapon, Marso 12.

Ayon sa Candon CPS, ang dalawang motorsiklong sangkot sa naturang insidente ay parehong Honda Click 125 motorcycle.

Nabatid na ang isang Honda Click 125 motorcycle ay minamaneho ng 22-anyos na babae, kasama ang mga angkas nitong isang 19-anyos na babae at isang menor de edad, pawang mga residente ng Candon City.

Ang isa namang Honda Click 125 motorcycle ay minamaneho ng 27-anyos na babae, may asawa, residente rin ng naturang lungsod.

Base sa pahayag ng witness na nakausap ng Candon CPS, ang motorsiklong sinaksakyan ng tatlong indibiduwal ay patawid ng kalsada galing silangan samantalang ang isa pang Honda Click ay bumibiyahe papuntang timog.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nagkasalubong ang dalawang sasakyan na naging sanhi ng kanilang banggaan.

Agad na isinugod sa Ilocos Sur Medical Center ang apat na sugatan. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here