Home NATIONWIDE Imbestigasyon ng US sa forced-labor imports mahigpit na imomonitor ng Malakanyang

Imbestigasyon ng US sa forced-labor imports mahigpit na imomonitor ng Malakanyang

164
0

MANILA, Philippines – MAHIGPIT na imo-monitor ng Pilipinas at makikipagtulungan sa Estados Unidos kaugnay sa di umano’y pagkabigo ng Maynila na ipagbawal ang pag-angkat ng mga goods na pinrodus (produce) sa pamamagitan ng forced labor o sapilitang trabaho.

Ito’y matapos na maglunsad ng masusing pagsisiyasat ang US Trade Representative (USTR) sa ilalim ng Section 301 (b) ng US Trade Act of 1974 para matukoy kung ang Pilipinas at 50 iba pang trading partners ay epektibong ipinagbawal ang pag-angkat ng mga kalakal na pinrodus (produce) gamit ang forced labor.

Tinukoy ang naging pahayag ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, tinandaan ng Pilipinas ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng Estados Unidos.

“We will closely monitor and actively participate in the investigation to address the concerns of the United States,” ang sinabi ni Castro na inulit lamang ang sinabi ni Roque.

Sakop ng imbestigasyon ng Estados Unidos ang Pilipinas at 59 na ibang bansa kabilang na ang major economies gaya ng Australia, Canada, China, European Union, Japan, South Korea, Singapore, Thailand, at Vietnam, at maging ang iba pang Southeast Asian nations gaya ng Cambodia, Indonesia, at Malaysia.

Layon ng Trump administration na matukoy kung ang nasabing pagkilos, polisiya o practices ng mga bansa na sumasaillaim sa imbestigasyon ay nabigong magpatupad ng pagbabawal ukol sa pag-angkat na pinrodus gamit ang forced labor at nagbigay ng “artificial cost advantage” sa mga kompanya na gumagamit ng forced labor, na nakakaapekto sa mga negosyo sa America.

Nakasaad sa Section 301 na “Trade Act of 1974 enables the USTR to implement measures, including tariffs, import restrictions, or binding agreements, to stop unfair practices.”

Humiling naman ang USTR ng official consultations sa mga gobyerno na nasa ilalim ng pagrerebisa. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here