Home NATIONWIDE De lima dismayado sa pagsasara ng ICI

De lima dismayado sa pagsasara ng ICI

191
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Leila de Lima ang pagkadismaya sa nalalapit na pagsasara ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), na itinatag noong nakaraang taon upang imbestigahan ang katiwalian sa flood control projects.

“Having a lot on its plate, President Marcos Jr. just let ICI shut down instead of acting to certify as urgent our proposed ICAIC law, which would create a more independent, more fully equipped and empowered body to take over ICI,” ani De Lima sa isang X post noong Sabado ng gabi, Marso 14.

Ayon kay De Lima, limitado lamang ang saklaw ng ICI at kulang sa kapangyarihan tulad ng subpoena, kaya’t hindi naging epektibo ang komisyon.

“Nilatag pa bilang Independent Commission ‘for Infrastructure’, pero hanggang flood control lang pala ang titingnan — iilan pa nga lang ang naimbestigahan. Wala ring silbi ang ginawang livestreaming,” dagdag niya.

Pinuna rin niya ang kakulangan ng aksyon ng administrasyon sa proposed ICAIC law:
“Ginawang priority raw, pero wala namang nangyayari.”

Sa kabila ng kanyang pagkadismaya, nanawagan si De Lima na ipagpatuloy ang laban para sa pananagutan.

“Hay naku, to say that we’re disappointed is an understatement… Hinding-hindi natin ito dapat tantanan. Kasama ito sa sinisigaw ng taumbayan. Pagalawin niyo ang baso,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here