Home TOP STORIES 2 kahilingan ng US na lumipad sa Switzerland, tinanggihan dahil sa neutralidad

2 kahilingan ng US na lumipad sa Switzerland, tinanggihan dahil sa neutralidad

140
0

BERN, Switzerland – Ayon sa Switzerland, dalawang kahilingan ng US na lumipad sa kanilang teritoryo kaugnay ng digmaan sa Gitnang Silangan ang tinanggihan nito, dahil sa neutralidad ng bansa sa ilalim ng international law.

“In total, two requests linked to the war in Iran were refused, while a maintenance flight and two requests for transport aircraft were approved,” ani ng gobyerno sa isang pahayag noong Sabado.

Ang dalawang tinanggihang flight ay para sa reconnaissance missions noong Marso 15.

Ipinaliwanag ng Swiss government, “The law of neutrality prohibits overflights by parties to a conflict for military purposes related to that conflict.”

Pinayagan naman ang mga flight para sa humanitarian o medical purposes, pati na rin ang mga flight na walang kinalaman sa digmaan.

Mula pa noong 1815, kinikilala ang Switzerland bilang isang neutral na bansa sa buong mundo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here