Home METRO Mayon nagtala ng minor strombolian eruption; alert level 3 nanatili

Mayon nagtala ng minor strombolian eruption; alert level 3 nanatili

149
0

ALBAY, Philippines – Nakapagtala ng minor strombolian eruption ang Mayon Volcano noong Linggo ng umaga, Marso 15, habang nagpapatuloy ang effusive eruption nito sa ika-69 na sunod na araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sa advisory ng Phivolcs, naganap ang aktibidad mula 9:49 a.m. hanggang 9:55 a.m., kung saan nagbuga ang bunganga ng bulkan ng incandescent materials o nagliliyab na lava fragments.

Ayon sa ahensya, patuloy pa ring naglalabas ang bulkan ng lava flows, pyroclastic density currents (PDCs) na kilala bilang “uson,” at mga rockfall bilang bahagi ng tuloy-tuloy na effusive eruption nito.

Nanatili sa Alert Level 3 ang status ng Mayon, na nangangahulugang may mataas na posibilidad ng mapanganib na pagsabog.

Dahil dito, muling pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan dahil sa banta ng lava flows, PDCs, pagbagsak ng bato, at iba pang panganib na dulot ng pagputok.

Hinimok din ng mga awtoridad ang mga komunidad malapit sa bulkan na manatiling mapagmatyag sa posibleng biglaang pagsabog at sa patuloy na paggalaw ng volcanic materials sa mga dalisdis ng Mayon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here