Home TOP STORIES Netanyahu nagpakita sa video matapos mabalitang pumanaw

Netanyahu nagpakita sa video matapos mabalitang pumanaw

178
0

JERUSALEM, Israel – Nag-post si Benjamin Netanyahu, Prime Minister ng Israel, ng video ng kanyang sarili habang nagkakape at nakikipag-usap sa aide niya noong Linggo, kasunod ng mga balita na kumalas sa Iranian state media at social media na siya ay namatay.

Makikita sa video, na kuha sa isang cafe sa labas ng Jerusalem at inilathala sa kanyang Telegram account, tinanong siya ng aide tungkol sa mga balita. Tumugon si Netanyahu gamit ang isang pun sa salitang “dead” sa Hebreo, na puwede ring mangahulugang “being crazy about” sa isang bagay o tao.

“I’m crazy about coffee. You know what? I’m crazy about my people,” sabi ni Netanyahu habang inaabot ang kanyang tasa ng kape.

Mula nang ilunsad ng US at Israel ang mga atake laban sa Iran noong Pebrero 28, bumisita si Netanyahu sa ilang bayan na tinamaan ng mga missile ng Iran, ospital, pantalan, at military bases, ngunit halos walang access ang media, at ang mga video ay ipinamahagi ng kanyang opisina.

Bihira rin siyang magbigay ng panayam sa Israeli press o magdaos ng news conference; ang kanyang unang press conference mula simula ng digmaan ay ginanap noong Huwebes sa pamamagitan ng video link, katulad ng ginawa niya noong Hunyo sa 12-araw na digmaan laban sa Iran.

Dahil sa mga emergency safety restrictions sa Israel simula ng digmaan, ipinagbawal ang pampublikong pagtitipon, sarado ang mga paaralan, at karamihan ng tao ay nanatili sa bahay, malapit sa shelters at safe rooms. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here